^

Bansa

Top 6 slot target na mabawi ni Jawo

-
Determinado si reelectionist Senator Robert Jaworksi na mabawi ang top 6 slot sa winning circle ng Senado sa kabila ng panibagong intrigang siya’y lilipat sa kampo ni Senador Panfilo Lacson.

Gayunman, sinabi ni Jaworski na malugod niyang pinasasalamatan si Lacson sa kahandaan nitong tanggapin siya sa kanyang kampo bagamat wala ito sa kanyang plano.

"Malaki ang aking pagrespeto kay Senador Lacson hindi lamang bilang kasama sa Senado. Kami’y magkaibigang personal at saludo tayo sa kanyang kakayahan subalit ako ay hindi aalis sa kampo ni Pangulong Arroyo," sabi pa ni Jaworski.

Bukod sa isyung paglipat ng partido, sinabi ni Jaworski na may mga lumabas na intriga na siya’y hanggang 2007 pa sa Senado na lumilikha ng kalituhan sa kanyang kandidatura.

"Tapos na po ang ating termino kaya nga tayo ay humihingi ng panibagong mandato sa ating mga kababayan. Anim na taon tayong naging produktibong miyembro ng Senado dahil mahigit 20 batas ang ating naisulong at napagtibay," dagdag pa ni Jaworski.

Dahil sa ganitong mga intriga, sinabi ng senador na mula sa pagiging number 6 sa lahat ng survey, bumaba ang kanyang rating kaya kailangan niyang magpursige na ito’y mabawi. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BUKOD

DAHIL

DETERMINADO

GAYUNMAN

JAWORSKI

LILIA TOLENTINO

PANGULONG ARROYO

SENADO

SENADOR LACSON

SENADOR PANFILO LACSON

SENATOR ROBERT JAWORKSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with