^

Bansa

Reklamo ng 3 batang-Payatas may halong pulitika

-
Hinihinala ngayon ng Malacañang na may amoy pulitika ang biglaang pagrereklamo umano ng tatlong bata mula sa Payatas na tinulungan at naunang iniharap ni Pangulong Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong taong 2001.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na posibleng may halong pulitika ang biglang paglutang sa publiko ng tatlong bata na sina Jason Banbanugon, Jomer Pabalan at Erwin Dolera.

Ito ay kaugnay ng reklamo ng tatlong bata na hindi umano natupad ang pangako ni Pangulong Arroyo.

Ipinaliwanag ni Bunye na mismong ang DSWD ay nagpaliwanag na walang katotohanan ang mga alegasyon na napabayaan ang tatlong bata.

Sinabi ni Bunye, may mga dokumento ang Palasyo bilang katunayan na natanggap ng mga magulang ng tatlong bata ang tulong pinansiyal tulad sa pag-aaral ng mga ito.

Ayon kay Bunye, posibleng may nagsulsol sa mga bata at magulang ng mga ito upang siraan ang administrasyon.

"Sana naman ay alalahanin nila na ang pamahalan ay handang tumulong sa kanila at ginagawa lahat ng magagawa. Espesyal nga itong treatment para sa mga batang ito sa kanilang lugar at marahil ay mayroon lang mga nagsulsol at hindi lang siguro nila naiintindihan ang kanilang ginagawa," paliwanag ni Bunye. (Ulat ni Ely Saludar)

BUNYE

ELY SALUDAR

ERWIN DOLERA

JASON BANBANUGON

JOMER PABALAN

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

SINABI

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with