Paggiba kay Noli wa epek
March 13, 2004 | 12:00am
Napatunayang hindi natitinag ng demolition job ang popularidad ni K4 vice presidential candidate Noli de Castro na siyang ipinakikita ng pinakahuling survey ng social weather station (SWS).
Inihayag pa ng survey na hindi dapat mangamba si de Castro sa mga demolition campaign ng kalaban dahil malaking bahagi ng kanyang taga-suporta ay buo na ang desisyon at hindi siya ilalaglag pa.
Base sa survey ng SWS na isinagawa para sa commitment of registered voters on their choice for vice president ay nagpapatunay na mas nakakasigurado si de Castro na hindi siya ipagpapalit ng kanyang supporters. Sabi ng survey, mas buo ang desisyon ng kanyang voters/supportes kaysa sa taga-suporta ng kanyang kalaban.
Ayon pa sa ilang eksperto, ang hindi pa buo ang desisyon ay kadalasang bumabaligtad o inililipat ang kanilang suporta sa mga kandidatong liyamado o nangunguna
Sa kasalukuyan, nasa unahan ng karera sa pagkabise-presidente si de Castro matapos nitong tambakan ang kalaban sa lahat at pinakahuling survey ng ibat ibang survey outfits.
Sinabi pa ng eksperto na malabo nang matalo si de Castro dahil malaki ang kanyang lamang sa mga katunggali.
Napag-alaman din mula sa nasabing survey na karamihan sa mga pumapabor kay de Castro ay buo na ang desisyon at hindi magbabago ang isip pagsapit ng halalan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended