Ipinag-utos na ni Ombudsman Simeon Marcelo sa BIR na ipatupad ang suspensiyon kay Abella upang hindi maapektuhan ang isinasagawa nilang imbestigasyon sa mga kasong dishonesty at falsification of public documents.
Ayon kay Department of Finance (DoF) officer V Leon Acuna, hindi tugma sa sahod ni Abella na P322,618.68 kada taon ang kanyang kasalukuyang assets.
Sa imbestigasyon ng DoF, mula P3.8 milyong assets noong 1999, naging P8.4M ang kayamanan ni Abella noong 2002. Kabilang sa mga assets ni Abella ang P10 milyon residential property sa Xavierville subdivision sa Quezon City at anim pang real estate assets sa Novaliches, QC.
Sa records, ang bahay sa Xavierville ay binili ng P10 milyon ng GAR ventures na mayroon lamang paid up capital na P100,000.
Sinabi ni Acuna na ginamit lamang ni Abella ang GAR ventures sa pagbili ng kanyang ari-arian upang hindi ito mabuko.
Ginamit din umanong alibi ni Abella ang pagtama ng dalawang beses sa lotto kaya siya biglang yumaman. (Malou Rongalerios)