Ito ang paninindigan kahapon sa isang forum ng mga lider ng Assalam party list, Anak Mahirap, FPJ-Youth wing Batang panday, ASAP at MakaBansa.
Sinabi ng grupo, kahit magresulta ng kanilang pagkakakulong, tulad ng unang inihayag ni Aablos ay hindi sila titigil hanggat hindi naipatutupad ang computerized election kahit sa ilang piling lugar lamang sa bansa.
Ayon kay Atty. Rey Bagatsing, founder ng Anak Mahirap, makatitiyak ng malinis at mapayapang halalan sa darating na Mayo kapag naipatupad ang "poll automation".
Sinabi naman ni Nelson Celis, Information Technology (IT) expert, sinertipikahan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga computer na gagamitin sa halalan na 100 porsiyentong ligtas sa anumang balak na pandaraya.
Maging ang limang Kongresista na sina Benasing Macarambon Jr., Hussin Amin, Munir Absson, Faysah Dumarpa at Guimid Matalam sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay nagbigay na ng kanilang suporta sa Comelec para ipatupad ang poll automation sa kanilang lugar dahil ayaw na nilang bumalik sa manu-manong halalan.
Inihayag naman ni Jolly S. Lais ng Assalam, maiiwasan din ang vote buying at karahasan sa halalan kapag ipinatupad ang computerized election. (Ulat ni Ellen Fernando)