Kinilala ni NAKTAF Chief Angelo Reyes ang mga nasakoteng suspek na sina Sergio Macanip Jr., lider ng Waray-waray kidnap-for-ransom gang at itinuturong utak sa pagkidnap kay Sy noong Nob. 17, 2003 at ang no.10 most wanted kidnap leader na si Romeo Puria na may patong sa ulong P500,000.
Ang mga suspek kasama ang sumukong kidnapper sa National Bureau of Investigation (NBI) noong nakaraang linggo sa Northern Leyte na si Gerardo Anover alyas Laydo ay iniharap ni Reyes kay Pangulong Arroyo kahapon.
Sinabi ni Reyes na si Macanip ay nadakip ng mga operatiba ng ISAFP at NBI sa Brgy. Cabingtan, Tongonan, Kananga, Leyte pasado alas-2 ng hapon matapos ang 3-buwang pagtatago sa batas ng mapaslang ang kidnap victim na si Sy.
Nabatid na si Macanip ay pinuno ng Waray-Waray KFR gang na may kabuuang 20 miyembro na nagplano ng pagdukot kay Sy.
Samantala si Puria, 32 anyos, ay nasakote naman nitong Huwebes sa hideout nito sa Brgy. Bucabud, Montalban, Rizal matapos i-tip ng isang sibilyan sa NAKTAF hotline 727-0000.
Si Puria ay responsable rin sa pagdukot sa isang Mariane dela Rosa noong Marso 27, 2003 sa Biñan, Laguna, sangkot sa payroll robbery sa Marulas, Valenzuela City noong 2002 at armed robbery sa Antipolo City, Rizal noong Marso 2003. (Ulat ni Joy Cantos)