^

Bansa

Kaya inambus: Congw Sato nagbayad ng talbog na tseke sa NPA

-
May kinalaman umano sa talbog na tseke na nagkakahalaga ng P3 milyon na ibinayad sa New People’s Army (NPA) para sa permit-to-campaign (PTC) ang pagkaka-ambush kay Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato.

Ito ang ibinunyag kahapon ng isang source na tumangging magpabanggit ng pangalan matapos tambangan kamakalawa ng hapon ng mga hindi pa nakikilalang lalaki si Sato sa Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Napikon umano ang NPA kay Sato dahil hindi nila napakinabangan ang salapi na ibinayad ng kongresista para malaya itong makapangampanya sa mga lugar na hawak ng mga rebeldeng grupo.

Sinabi pa ng source na hindi ito ang unang pagkakataon na tumalbog ang tseke na ibinayad umano ni Sato sa mga NPA kaya napilitan na ang Lucio de Guzman Command na isulong ang pananambang.

Pero sa isang panayam, itinanggi naman ng staff ni Sato ang akusasyon.

Sinabi nito na hintayin na lamang ang ipalalabas nilang press statement, pero hindi kailanman nagbayad ng PTC si Sato.

Maging si dating Occidental Mindoro Rep. Ricardo Quintos na ka-tiket ni Sato at kakandidato sa congressional election ay nagsabing hindi nagbabayad ng PTC ang congresswoman.

Nanindigan si Quintos sa naunang pahayag na si Occidental Mindoro Gov. Jose Villarosa ang nasa likod ng tangkang pagpatay kay Sato dahil ito ang makakalaban niya sa darating na May 10 national elections. (Ulat ni Malou Rongalerios)

GUZMAN COMMAND

JOSE VILLAROSA

JOSEPHINE RAMIREZ-SATO

MALOU RONGALERIOS

NEW PEOPLE

OCCIDENTAL MINDORO

OCCIDENTAL MINDORO GOV

OCCIDENTAL MINDORO REP

RICARDO QUINTOS

SATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with