^

Bansa

Nacionalistas kakalas 'pag inampon ni Villar si Ping

-
Titiwalag sa Nacionalista Party (NP) ang mga mambabatas na miyembro ng partido kapag iginiit ng kanilang bagong chairman na si Sen. Manny Villar na "ampunin" ng partido si presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson.

Sinabi kahapon nina Deputy Speaker Raul Gonzalez (Iloilo) at Rep. James Gordon (Zambales) na personal na desisyon pa lamang ng kanilang "acting chairman" na si Villar ang panukalang ampunin si Lacson at hindi ito sentimiyento ng mga miyembro ng NP.

Ayon pa kay Gonzalez, ilang ulat na rin ang kanyang natanggap na hindi pabor kay Lacson ang mga NP members sa Metro Manila at maging sa mga probinsiya kaya siguradong tututol ang mga ito sa plano ni Villar.

Hindi rin nagustuhan ni Gonzalez ang naging pahayag ni Villar na para anyang nagdesisyon na siya para sa buong partido.

Wala aniyang desisyon ang maaaring ilabas ng partido kung hindi ito napagkasunduan ng lahat ng miyembro.

Sinabi pa ng congressman na napagkasunduan ng Nacionalistas sa buong kapuluan na manatili sa koalisyon ng Lakas-CMD hangga’t walang nagiging desisyon ang national directorate. (Ulat ni Malou Rongalerios)

DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALEZ

GONZALEZ

JAMES GORDON

LACSON

MALOU RONGALERIOS

MANNY VILLAR

METRO MANILA

NACIONALISTA PARTY

PANFILO LACSON

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with