^

Bansa

Buhay iaalay ni Bro. Eddie

-
Pinahanga ni presidential aspirant at spiritual leader Bro. Eddie Villanueva ang may 6,000 negosyante nang sabihin nito sa ginanap na fund raising dinner sa Intercon Hotel sa Makati City na handa siyang ialay at ibuwis ang kanyang buhay alang-alang sa kaginhawahan ng bayan at ng sambayanang Pilipino.

Sa naturang dinner na inorganisa ng Gideon, isang grupo ng mga negosyante sa Makati City, inihayag ni Bro. Eddie ang kanyang malinaw, kongkreto at "genuine" na plataproma.

Naniniwala si Bro. Eddie na siya lang ang kuwalipikadong kandidato sa pagka-pangulo na makapagpapabago at magbabangon sa kahirapan sa bansa dahil sa taglay nito ang mga quality na wala sa ibang kandidato.

Nangako si Villanueva na kapag siya ang nanalo ay babangon ang Pilipinas tungo sa kaginhawahan sa pamamagitan ng programa nitong all-out war laban sa korapsyon at pagiging transparent ng kanyang gobyerno na siyang magiging daan upang maalis ang kahirapan. (Ulat ni Ellen Fernando)

EDDIE

EDDIE VILLANUEVA

ELLEN FERNANDO

INTERCON HOTEL

MAKATI CITY

NANGAKO

NANINIWALA

PILIPINAS

PILIPINO

PINAHANGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with