^

Bansa

Mga pasahero nalitson sa loob ng barko

-
Nangangamba ang pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nalitson ang marami sa mga nawawalang pasahero sa loob ng nasunog na SuperFerry 14 matapos na mabigo ang search and rescue team na mapasok ito kahapon.

Sinabi ni Vice Admiral Arthur Gosingan na mala-impiyerno pa rin sa init ang loob ng naturang barko at hindi pa mapasok ng kanilang search and rescue team habang nakaistambay ito sa karagatan ng Bataan.

"Imposibleng may tao pang mabubuhay. May probability pero mahihirapan nang mabuhay sa loob dahil sa sobrang init at dalawang araw na ang lumipas," ani Gosingan.

Sinabi nito na patuloy pa rin naman ang mga tauhan ng PCG sakay ng mga fireboats sa pagbomba sa loob at labas ng barko upang mapalamig ito at makapasok na sa loob.

Sa kasalukuyan, umaabot pa rin sa 165 pasahero ang nawawala sa naturang insidente habang patuloy na dinadagsa ng mga kamag-anak ng mga nawawala ang PCG headquarters.

Sinabi naman ni PCG spokesman Lt. Armand Balilo na patuloy pa rin ang paghahanap sa mga pasahero na tumalon sa barko at maaaring pinadpad ng malakas na alon. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMAND BALILO

DANILO GARCIA

GOSINGAN

IMPOSIBLENG

NANGANGAMBA

PHILIPPINE COAST GUARD

SINABI

ULAT

VICE ADMIRAL ARTHUR GOSINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with