^

Bansa

US nagmatigas, NPA di aalisin sa listahan ng terorista

-
Nagmatigas kahapon ang pamahalaan ng Estados Unidos na tanggalin sa listahan ng Foreign Terrorist Organization (FTO) ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bansa.

Sa panayam kay US Charge d’ Affairs Joseph Mussomeli, sinabi nito na malabong tanggalin sa talaan ng mga kinatatakutang terorista sa buong mundo ang NPA hangga’t patuloy ang mga ito sa paghahasik ng terorismo.

Ginawa ni Mussomeli ang reaksyon kasunod ng pormal na pagbubukas kahapon ng RP-US joint military exercises o Balikatan 2004 sa Camp Aguinaldo na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng militar ng Pilipinas at Amerika.

Bukod dito, nilinaw ni Mussomeli na wala rin silang natatanggap na ‘kahilingan’ buhat sa mga opisyal ng Palasyo ng Malacañang para tanggalin ang ‘terror tag’ ng naturang komunistang grupo.

Sa rekord ng US ay ika-34 ang NPA sa talaan ng FTO na dapat pangilagan ng sambayanan sa lahat ng panig ng mundo.

Ayon sa US official dapat ay itigil muna ng CPP-NPA-NDF ang paghahasik ng terorismo tulad ng pananalakay sa tropang gobyerno, pananabotahe sa mga instalasyon ng gobyerno ng Pilipinas, pangingikil ng revolutionary tax sa mga negosyante at maging ang permit to campaign fees sa mga kandidato atbp. bago ng mga ito hilingin sa US Gov’t at European Union na alisin sila sa talaan ng bansang miyembro ng International Terrorist Group. (Ulat ni Joy Cantos)

AFFAIRS JOSEPH MUSSOMELI

CAMP AGUINALDO

ESTADOS UNIDOS

EUROPEAN UNION

FOREIGN TERRORIST ORGANIZATION

INTERNATIONAL TERRORIST GROUP

JOY CANTOS

MUSSOMELI

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with