Loren muntik mahubaran sa kampanya

CAUAYAN, Isabela - Muntik nang mahubaran ng damit si KNP vice-presidential bet Sen. Loren Legarda matapos pagkaguluhan at hatakin mula sa sinasakyan nitong van ng mga tao na gusto siyang malapitan at makamayan ng personal habang patungo sa airport kahapon.

Maagap naman si Loren at agad nahawakan ang kanyang vest at damit na muntik ng mahila ng tao nang pagkaguluhan siya ng taumbayan habang kumakaway mula sa kanyang van.

"Mabuti na lamang at mabilis si Ma’am na maagapan ang kanyang vest at damit na halos mahatak na rin ng mga taong nagkagulo ng makipagkamay ito matapos dumungaw mula sa kanyang van," wika ni Annabel Mendoza, staff ni Loren.

Hindi naman nagpakita ng pagka-inis at galit si Loren sa mga tao na siyang nagustuhan ng mga residente dito. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments