Transport groups inis na, tigil-pasada nakaamba!
February 21, 2004 | 12:00am
Galit na nagbanta kahapon ang mga higanteng grupo ng transportasyon na magsasagawa sila ng tigil-pasada anumang araw mula ngayon upang ipamukha sa pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang saloobin.
Sa nagkakaisang pahayag ng FEJODAP, ALTODAP, PISTON, PCDO-ACTO at MJODA, binigyang-diin ng naturang mga samahan ang pagka-inis sa anilay "delaying tactics" na ginagawa ni LTFRB chairperson Ellen Bautista hinggil sa kanilang demands.
Una ritoy nagsampa ang naturang transport groups ng petisyon noong Pebrero 18 ng P1.50 taas sa pasahe sa minimum fare para sa unang limang kilometro at dagdag na P1.00 para sa suceeding kilometer.
Itinakda naman ng LTFRB ang hearing sa kanilang petisyon sa Marso 16, 2004, dahilan para magalit ang transport groups dahil masyado anya itong matagal.
Nararapat na anyang maitaas ang singil sa pasahe sa dyip dahil matindi na ang epekto sa kanilang kabuhayan ang pagbagsak ng piso kontra dolyar dahilan para tumaas din ang halaga ng bilihin, halaga ng spare parts at maintenance fee sa mga sasakyan.
Wala anyang nagiging pakinabang sa kanila ang diesel discount na nabibili nila sa mga gasolinahan dahil hindi naman sila nakaka-discount sa pagbili ng mga pangunahing bilihin at arawang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended