^

Bansa

Lacson,Arroyo sabay na umeksena sa PMA

-
Tulad nang inaasahan, nag-agawan ng atensyon sina Pangulong Arroyo at Sen. Panfilo Lacson na sabay nag-martsa sa Annual Homecoming ng Phil. Military Academy (PMA) sa Fort del Pilar, Baguio City kahapon.

Si Lacson ay miyembro ng PMA Class ’71 habang adopted member naman ng PMA Class '78 si Arroyo.

"She’s also marching with Class ’78, so we are on equal footing now," pahayag ni Lacson.

Bagaman at hindi binanggit ng emcee ang pangalan ni Lacson sa programa na isang protocol para sa lahat ng ranking officials kabilang na ang mga senador, ipinagmalaki nito na mas malaki ang suportang natanggap niya mula sa kanyang mga kasamahan sa PMA kumpara sa Pangulo.

"Sabi nga ng mga classmates ko, blood is thicker than water. I’m a regular alumnus and the other (Arroyo) is an adopted member," ani Lacson.

Habang nasa parade ground, nakipagkamay si Lacson sa kanyang fellow alumnus na kinabibilangan ni NBI director Reynaldo Wycoco na isa sa mga kritiko ng senador.

Sinabi ni Lacson na dapat isantabi ang pulitika sa loob ng PMA at dapat ipagdiwang na lamang ang mahalagang okasyon sa akademya.

Hindi na rin nakaiwas si Lacson na batiin ng "Happy Valentine" ang Pangulo.

Gayunman, nilinaw ng Senador na nagbibiro lamang siya ng sabihin niya nitong nakalipas na mga araw na ibig niyang maka-date sa Valentine’s Day ang Pangulo.

"May nangungulit kasi sa akin, so sabi ko naman bakit hindi," ani Lacson. (Ulat nina Malou Rongalerios/Lilia Tolentino/Joy Cantos)

ANNUAL HOMECOMING

BAGUIO CITY

HAPPY VALENTINE

JOY CANTOS

LACSON

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

MILITARY ACADEMY

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with