Sa 6-pahinang desisyon ng Comelec en banc, hindi kinatigan ang motion for reconsideration na isinampa ng may 39 presidential candidates, 8 sa pagkapangulo at 24 sa pagkasenador.
Kabilang sa mga hindi pinagbigyan ng komisyon ang apela ng kilalang kandidato sa pagkapangulo na gumawa ng "drama" sa tanggapan ng Comelec na si Atty. Elly Pamatong.
Sina Ely Soriano ng Ang Dating Daan na tumakbong independent sa pagkasenador at Leonardo Polinar na tumatakbo bilang presidente ay ibinasura din ang kanilang mosyon.
Iginiit ng Comelec na walang kakayahan ang mga nabanggit na bilang ng nuisance candidate na magsagawa ng malawakang kampanya at walang awtorisadong nominasyon sa alinmang partido kaya bagsak sa screening. (Ulat ni Ellen Fernando)