^

Bansa

Bantang 'no election' pipigilin

-
Nagkaisa kahapon ang iba’t ibang grupo at partylist sa bansa para tutulan ang isinusulong ng ibang grupo na "No-el" o no election sa darating na Mayo 10.

Sa forum na ginanap kahapon sa Malate, Maynila, iginiit ng partylist na Alyansa ng Sambayanan para sa Pagbabago (ASAP) at Mamamayang Kabalikat ng Bansa (MAKABANSA) na hindi malayong mangyari ang pinangangambahang nilang No-el kapag hindi ipatupad ang RA 8436 o automation law.

Nakiisa na rin ang grupong Kilusan sa Pag-unlad ng Sakahan at Pangisdaan (KPSP), Samahang Magkakapitbahay ng Tuklas (SMT), Liga ng mga Barangay BAAO Chapter at Total Improvement in Labor Development Education (TILDE) sa panawagan sa kinauukulan hinggil sa pagpapatupad ng computerized election.

Ayon kay Atty. Ernesto Arellano, chairman ng ASAP, kapag hindi umano naipatupad ang automation law ay ang kasalukuyang administrasyon at "warlord politician" ang makikinabang dahil sila ang may makinarya na i-manipula ang mano-manong sistema ng halalan.

"Nagkaisa kami ngayon laban sa senaryong no-election, dahil may mga indikasyon na ganito ang patutunguhan, kung ganito ang mangyayari, masa-sacrifice ang karapatan ng tao na makaboto," ani Arellano.

Sinabi naman nina Edwin Bedural, Pangulo ng Liga ng mga Brgy. BAAO Chapter at Makabansa spokesperson Cyril Manaog na mawawala lamang ang dayaan sa darating na halalan kapag ipinatupad ang computerized election. (Ulat ni Ellen Fernando)

CYRIL MANAOG

EDWIN BEDURAL

ELLEN FERNANDO

ERNESTO ARELLANO

LABOR DEVELOPMENT EDUCATION

LIGA

MAMAMAYANG KABALIKAT

NAGKAISA

SAMAHANG MAGKAKAPITBAHAY

TOTAL IMPROVEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with