GMA nalo sa mock elections sa Miriam College

Nanguna si Pangulong Arroyo sa isinagawang mock elections ng high school department ng Miriam College. Noong Lunes isinagawa ang eleksiyon sa mga estudyante kung saan nakasungkit ang Pangulo ng iskor na 726.

Pumangalawa lamang si Raul Roco. Bagamat hindi pa maituturing na botante ang lumahok sa mock elections ay isang magandang senyales ito para sa administrasyon. Lumilitaw na may tiwala sa Pangulo ang sektor ng kabataan tulad ng nasabing mga estudyante. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments