Ambisyon ni FPJ bubuwagin ng Roco supporters
February 4, 2004 | 12:00am
Hahadlangan ng mga tagasuporta ni presidentiable Raul Roco ang ambisyon ni action king Fernando Poe Jr. na maluklok sa Malacañang.
Ayon kay Erie Argonza, tagapagsalita ng Kaisahan ng Mamamayan para sa Bayan o KAISAMBAYAN, isa-isang kakalas kay Roco ang kanyang tagasuporta at lilipat sa kampo ni Pangulong Arroyo dahil sa pangamba ng mga ito na malugmok sa kahirapan ang bansa kapag pinatakbo ng isang lider na walang kakayahan at karanasan sa pamumuno.
Ani Argonza, isang development studies at economics professor sa UP-Manila, nais ng mga tagasuporta ni Roco na magkaroon ng pagbabago sa liderato ngunit hindi pa desperado ang mga ito na pangarapin ang pamumuno ni FPJ.
"Hindi iboboto ng mga supporters ni Roco si FPJ. Sa ngayon, ramdam na ng mga tagasuporta ni Roco na tagilid siya sa eleksiyon kaya siguradong si Pangulong Arroyo ang kanilang susuportahan," ani Argonza.
Nanawagan si Argonza kay Roco na umatras na sa laban. Aniya, mas makabubuting isakripisyo na lamang ni Roco ang kanyang ambisyon para sa kapakanan ng bansa. Inaasahang ang pag-atras ni Roco sa laban ay lalong magpapalakas sa kandidatura ni Pangulong Arroyo.
"Magiging bayani pa siya (Roco) sa mata ng taumbayan kapag kinalimutan niya ang kanyang ambisyong maging pangulo," dagdag pahayag ni Argonza.
Matapos ang sunud-sunod na pamamayagpag ni Roco sa mga survey, ito ay napag-iiwanan na ngayon. Sa pinakahuling SWS survey, 19 porsiyento lamang ang nakuha ni Roco kumpara sa 27% ni Arroyo at 36 % ni FPJ.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest