Desisyon sa disqualification ni FPJ binitin
February 4, 2004 | 12:00am
Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbibigay ng desisyon ukol sa motion for reconsideration na isinampa ni Attorney Victorino Fornier na kumukuwestiyon sa citizenship ni KNP standard bearer Fernando Poe Jr.
Pirma na lang ni Chairman Benjamin Abalos ang kulang sa desisyon ng Comelec en banc na nagbabasura sa mosyon ni Atty. Fornier pero inipit ito ni Abalos sa kadahilanang nais muna nitong hintayin ang desisyon ng SC kung saan ay may naghain din ng petisyon ukol sa citizenship ng aktor.
Sinabi naman ni Sen. Aquilino Pimentel na hindi tama na hintayin muna ng Comelec ang magiging desisyon ng Supreme Court dahil ang argumento ay nagsimula sa Comelec First Division kung saan ay unang ibinasura ang petisyon ni Fornier.
Sa resolusyon ng SC en banc, inatasan nito si FPJ na magpaliwanag sa petisyong isinampa ng mga abogadong sina Attys. Jeanette Tecson at Felix Desiderio Jr.
Bukod kay FPJ, inatasan din ng SC ang Comelec na magsumite ng komento hinggil sa citizenship ng aktor.
Pag-aaralan ng Korte kung may katwiran ang petisyon nina Tecson at Desiderio kung tunay ngang ang Mataas na Hukuman lamang ang may kapangyarihan para dinggin ang naturang kaso.
Binigyan ng 10 araw na taning ng SC ang kampo ni FPJ upang isumite ang kanyang komento. (Ulat nina Rudy Andal/Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest