^

Bansa

Smuggling ng droga titindi - Sen. Barbers

-
Nanawagan kahapon si re-electionist Sen. Robert ‘Bobby" Barbers sa mga awtoridad na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa mga pantalan sa bansa para mahadlangan ang pagpasok ng mga illegal na kontrabando katulad ng illegal drugs.

Hiniling ni Barbers kay Customs Commissioner Antonio Bernardo na magsagawa ng mahigpit na seguridad, maging sa mga lalawigan na umano’y target ng mga sindikato na siyang gawing palusutan ng ilegal na droga.

Lubhang naalarma ang tagapangulo ng senate committee on public order and illegal drugs sa kontrobersyal na pagpapalabas ng 19 na container vans ng poultry products ng mga customs officials sa Port of Batangas na may halagang P5 milyon na senyales ng malawakang smuggling sa bansa.

Sinabi ni Barbers na lubhang malaking halaga ng salapi ang isinusuhol ng sindikato ng ilegal na droga na umano’y malaki ang posibilidad na makalusot sa mga pantalan kung mabubulag ang mga customs officials.

Naniniwala ang mambabatas na posibleng gamitin ng mga sindikato bilang port of entry ang mga lalawigan dahil sa layo sa mga kalunsuran at paniniwalang ‘di gaanong bibigyan ng atensyon ng mga awtoridad.

Pinasisiyasat na rin ni Barbers ang iba’t ibang smuggling activities sa mga pantalan sa buong kapuluan na umano’y isang dagok sa ekonomiya ng bansa kung hindi ito mahahadlangan. (Ulat ni Rudy Andal)

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

HINILING

LUBHANG

NANAWAGAN

NANINIWALA

PINASISIYASAT

PORT OF BATANGAS

RUDY ANDAL

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with