^

Bansa

Bagong ebidensya vs Manapat, ihaharap sa Senado

-
Siniguro kahapon ni Senate Minority leader Vicente Sotto III na mayroong ihaharap ngayong bagong ebidensya sa pagpapatuloy ng senate inquiry upang tukuyin kung sinu-sino ang nasa likod ni National Archives director Ricardo Manapat sa pamemeke umano ng dokumento ng magulang ni Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino standard bearer Fernando Poe Jr.

Ayon kay Sotto, ikagugulat ng kampo ni Manapat ang ihaharap na mga bagong ebidensya sa senate on electoral reforms na pinamumunuan ni Sen. Edgardo Engara at blue ribbon committe ni Sen. Joker Arroyo.

Kabilang aniya sa dadalo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng senado ay sina Manapat, ang tatlong naunang witness na sina Vecelyn Tarin, Rommel Talabis at Emman Llanera.

Ipinatawag din ng Senado sina Atty. Victorino Fornier, kapatid na si Andresito at researcher na si Liezel Punongbayan na hindi dumalo sa naunang pagdinig.

Sinabi ni Sotto na matibay ang mga ihaharap na ebidensya upang idiin si Manapat at tukuyin ang mga personalidad na nasa likod ng ginawang pamemeke sa dokumento ng magulang ni FPJ.

Samantala, hinikayat ni Sotto ang Comelec na ilabas na nito ang sinasabing desisyon ng en banc kaugnay sa isinampang motion for reconsideration ni Fornier kaugnay sa pagkuwestiyon sa citizenship ni FPJ.

Aniya, mayroon silang natanggap na report na tapos na ang desisyon ng Comelec en banc kung saan ay mayroong botong 5-2 na nagbabasura sa mosyon ni Fornier laban sa Da King. (Ulat ni Rudy Andal)

COMELEC

DA KING

EDGARDO ENGARA

EMMAN LLANERA

FERNANDO POE JR.

FORNIER

JOKER ARROYO

LIEZEL PUNONGBAYAN

MANAPAT

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with