PGMA 'most experienced' sa SWS survey
February 2, 2004 | 12:00am
Kung pagbabatayan ang karanasan upang maiangat ang ekonomiya ng bansa, walang ibang kandidato sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo ang karapat-dapat maliban kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Station o SWS na kinomisyon ng AMA Group of Companies, 30% ng mga botanteng Pilipino ang nagsabing may higit na karanasan ang Pangulong Arroyo na iangat ang ekonomiya ng bansa kumpara sa ibang mga kandidato sa halalan sa Mayo 10.
Base sa SWS results na isinagawa noong Enero 16-22, napakalayo ng naging agwat ng Pangulo sa ibang presidentiables. Umaabot sa 23% lamang ang nakuha ni Education Secretary Raul Roco, 22% si action king Fernando Poe Jr., 15% naman si Sen. Panfilo Lacson, 1.1 % si Bro. Eddie Villanueva, 1 % si Eddie Gil habang 5.5% ng mga respondents ang undecided.
Sinagot ng may 1,200 na mga respondents ang katanungan kung sino sa mga kandidato sa pagka-pangulo ang may higit na karanasan upang iangat ang ekonomiya ng bansa.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nanguna rin ang Pangulo sa isinagawang survey ng mga miyembro ng Makati Business Club (MBC). Sa naturang survey ng MBC, halos kalahati ng kanilang miyembro (47.6%) ang nagsabi na ang Pangulo ang "best fit and most capable" sa lahat ng presidential candidates.
Napakalayo ng naging agwat ng Pangulo na nakakuha ng 33%, pangalawa si Roco (29.3%); pangatlo si Lacson(4.9 %) habang si FPJ ay walang nakuhang boto mula sa mga negosyante. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended