^

Bansa

Erap, nakahanap na ng mas murang doktor

-
May nahanap nang bagong doktor ang pamilya ni dating Pangulong Joseph Estrada para mag-opera ng kanyang tuhod sa Amerika kapalit ni Dr. Christopher Mow.

Sabi ni Estrada na posibleng si Christopher Jordan na ng Loma Linda University Medical Center, Califoria, USA ang magsagawa ng operasyon sa kanya dahil mas mura ang hinihingi nitong bayad kumpara kay Mow.

Nag-usap na aniya sila ni Jordan at humihingi lamang ito ng halagang $30,000 hanggang $50,000 para sa actual operation at professional fees.

Magugunitang napaulat na posibleng hindi matuloy ang operasyon ni Estrada dahil sa napakataas na hinihingi ni Mow kaya naghanap ang pamilya nito ng mas murang doktor.

Umaabot sa $1.3 milyon ang professional fee na hinihingi ni Mow kabilang na ang bayad sa iba pang doktor.

Inihayag din ni Estrada na katulad ni Mow, hindi pa rin alam ni Jordan ang history ng kanyang sakit sa tuhod.

Pinayagan ng korte na makalabas ng bansa si Estrada upang maipaopera ang kanyang tuhod sa Amerika noong Disyembre 23, 2003. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AMERIKA

CALIFORIA

CHRISTOPHER JORDAN

DISYEMBRE

DR. CHRISTOPHER MOW

INIHAYAG

LOMA LINDA UNIVERSITY MEDICAL CENTER

MAGUGUNITANG

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with