Nameke ng 'FPJ' mananagot - Pichay
January 25, 2004 | 12:00am
Kailangang papanagutin sa batas ang mga sangkot sa pamemeke ng mga record na nasa National Archives sapagkat ito ay tuwirang pambabalasubas sa ating kasaysayan.
Ito ang tinuran ni Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay matapos maghain ng resolusyon sa Kamara na naglalayong papanagutin ang mga salarin sa pamemeke ng rekord ni action king Fernando Poe Jr.
Ang House Resolution 1451 ay humihiling ng imbestigasyon kaugnay umano sa anomalyang nagaganap sa tanggapan ng National Archives, ang tanggapan ng pamahalaan na nagtatago ng mga opisyal na dokumento sa bansa.
Hiniling ni Pichay sa House committee on basic education and culture na siyasatin kung paano nagkakaroon ng palsipikasyon ng mga opisyal na dokumento sa naturang tanggapan.
Aniya, ang pamemeke umano ng ilang dokumento ay makakasira sa integridad ng tanggapan bilang pangunahing ahensiya na nangangalaga ng mga opisyal na papeles.
"Nais natin matiyak na hindi na mauulit ang umanoy pamemeke ng dokumento sa archives sa pamamagitan ng paghahain ng alternatibong pamamaraan," pahayag pa ng chairman ng house committee on national defense.
Hiniling din ni Pichay ang paglalahad ng lahat ng laman ng microfilm upang malaman kung anu-ano ang mga nilalaman nito.
"Dapat makita ng publiko kung ano talaga ang laman ng microfilm," sabi pa ni Pichay.
Samantala, malaki ang paniniwala ni Davao City Rep. Prospero Nograles na may isang "hindi nakikitang" kamay ang nasa likod ng disqualification case laban kay FPJ na ang layunin ay ma-frame up at pagbintangan si Pangulong Arroyo.
Ayon kay Rep. Nograles, si Pangulong Arroyo ang maaapektuhan sa nasabing isyu dahil ito ngayon ang pinagbibintangang nais magpadisqualify kay Da King.
Wala anyang mapapala ang administrasyon sa nasabing kaso ni FPJ kaya siguradong wala itong kinalaman sa nasabing isyu.
Wika ni Nograles, si Sen. Panfilo Lacson ang makikinabang kung madidiskuwalipika si FPJ kaya posibleng ang mga political strategists nito ang may pakana ng nasabing "psychological game."
"Lacson is the only presidential candidate who has the motive to disqualify Poe," pahayag pa ni Nograles. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest