^

Bansa

Isahang imbestigasyon sa SSS hiling

-
Hiniling kahapon ni Bulacan Rep. Willie Villarama ang isahang pagsisiyasat sa lahat ng transaksiyong pinasok ng Social Security System (SSS) upang matapos na ang isyu.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng vice chairman ng House committee on trade and industry na ang lahatang panig ng pagsisiyasat sa mga pinasok na negosyo ng SSS, simula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos hanggang sa kasalukuyan, ang magbibigay ng tuldok sa mga ginagawang pamimingwit ng ilang sektor sa lipunan.

Aniya, dapat nang tapusin ang mga naglalabasang mga haka-haka kaugnay sa pagbenta ng SSS sa 29% bahagi nito sa PCI-Equitable Bank sa Banco de Oro.

Sinabi pa ni Villarama na matagal nang dumaan sa pangungutya, paratang at iba’t ibang haka-haka ang mga miyembro at opisyal ng SSS dahil sa akusasyon na ginagawang gatasan ito ng mga nasa kapangyarihan.

Iminungkahi nito na ang mga kinatawan mula sa Makati Business Club, Philippine Chamber of Commerce, sectoral groups, SSS employees at opisyal ang dapat bumuo sa nasabing imbestigasyon. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANIYA

BULACAN REP

EQUITABLE BANK

MAKATI BUSINESS CLUB

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG FERDINAND MARCOS

PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

WILLIE VILLARAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with