Inihayag ito ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye kasunod ng panawagan ng mga ambassador ng European Countries na alisin na ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa bansa.
Ang pahayag ay ginawa ni Bunye habang ang mga abogado ng taga-depensa ng dalawang kidnapper na sina Roderick Licayan at Roberto Lara ay nagsumite ng petisyon sa Korte Suprema na humihiling na ipahinto ang nakatakdang bitay sa dalawa.
"Sana ay maunawaan nila ang posisyon ng ating Pangulo at ang posisyon niya tungkol sa death penalty ay firm. Sinasabi ng ating Pangulo na kung ang mga cases ay involving kidnapping at saka drugs ay hindi mag-aaply ang moratorium," ani Bunye.
"The execution will push through as scheduled unless they are stayed by the High Court. We follow the rule of law," sabi pa ni Bunye. (Ulat ni Lilia Tolentino)