Survey group,fake - VP Loren Movement
January 14, 2004 | 12:00am
Peke! Ito ang pahayag ng VP Loren Movement matapos lumabas sa isang pahayagan ang diumanoy pinakabagong survey sa mga presidential at vice presidential candidates.
"It is unreliable and unscientific," sabi ni Michele Villasenor, secretary general ng VP Loren Movement.
"While the Manila Standard for which the survey was conducted is a generally credible newspaper, the group that allegedly conducted the voters opinion survey was not identified, probably because it has no track record, no experience or known expertise in the polling profession."
Iginiit ni Villasenor na ang IBON Foundation na nagpalabas ng survey kamakailan ay nagpakita ng isang "neck-to-neck" VP race sa pagitan ni Legarda at Sen. Noli de Castro.
Ipinaliwanag ni Villasenor na ang polling ay isang scientific exercises at hindi basta-basta magagawa ng tumpak ng mga amateurs o iyong mga walang formal training o experience sa opinion surveys.
Nanawagan si Villasenor sa publiko na hintayin ang resulta ng mga "more prestigious polling organizations, gaya ng Social Weather Stations" bago gumawa ng anumang konklusyon.
Ang VP Loren Movement ay para sa Volunteer to Promote Law and Order, Rights of Women, Youth and Children, Environment, Education and Enforcement at Nationalism. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended