Bilang majority leader ng Senado ay pamumunuan ni Sen. Pangilinan ang rules committee kaya bibitawan niya ang hinahawakan nitong 3 komite sa kasalukuyan.
Binitiwan ni Pangilinan ang pamumuno sa committee on justice and human rights at napunta ito kay Sen. Joker Arroyo habang ang education committee naman ay napunta kay Senate President Pro-Tempore Juan Flavier.
Si Sen. Robert Barbers naman ang mamumuno sa committee on ethics na dating hawak ni Pangilinan.
Ipinagkaloob din ni Sen. Ramon Magsaysay Jr. kay Sen. Rodolfo Biazon ang pamumuno sa committee on national defense and security.
Si Sen. John Osmeña naman ang papalit sa puwesto ni Legarda sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) at ito na rin ang mamumuno sa committee on energy na iniwan ng yumaong si Sen. Renato Cayetano.
Sina Osmeña at Biazon ay kapwa lumipat sa kampo ng administrasyon mula sa oposisyon kaya nagkaroon ng rigodon sa liderato ng Senado sa pagbubukas ng sesyon kahapon. (Ulat ni Rudy Andal)