^

Bansa

Mayor Malonzo pinapa-disqualify sa Comelec

-
Ginamit laban kay Mayor Reynaldo Malonzo ng kanyang kalaban sa pagka-kongresista sa ika-limang distrito ng Caloocan City ang pagiging narcissistic personality disorder nito upang i-petisyon ang kanyang kandidatura sa darating na May elections.

Isinampa ni Dra. Susana Punzalan, konsehal ng lungsod at tumatakbong kongresista sa naturang distrito, ng 288 Kabutihan St., Deparo, Caloocan ang petisyong i-disqualify si Malonzo dahil sa umano’y pagiging psychological incapacitated nito.

Niliwanag ni Punzalan, na base rin sa nakapaloob sa batas, hindi dapat na umupo sa anumang posisyon sa gobyerno ang taong may narcissistic personality disorder, isang malala, seryoso at walang kalunasang sakit.

Ang findings kay Malonzo ay base sa ipinalabas na resulta ni Dr. Natividad Dayan, isang clinical psychologist na sumuri kay Malonzo sa isinagawang mga test dito na siya ring iniharap sa korte habang dinidinig noon ang annulment case ng huli laban sa kanyang asawang si Veronica Ayson.

Base sa 16-pahinang desisyon ni Judge Victoria Isabel Paredes ng Caloocan City Regional Trial Court-Branch 124, kinatigan ang annulment case na isinampa ni Malonzo matapos na isa sa ibinase ang pagiging narcissistic personality disorder ng Alkalde.

Si Malonzo ay tumatakbo ngayong kongresista makaraang matapos ang kanyang termino sa pagiging Mayor sa Caloocan kung saan itatakbo nito sa pagka-mayor ang kanyang bagong asawang si Gigi na makakalaban naman ni Cong. Egay Erice. (Ulat ni Ellen Fernando)

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY REGIONAL TRIAL COURT-BRANCH

DR. NATIVIDAD DAYAN

EGAY ERICE

ELLEN FERNANDO

JUDGE VICTORIA ISABEL PAREDES

KABUTIHAN ST.

MALONZO

MAYOR REYNALDO MALONZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with