^

Bansa

Planta nilusob ng NPA: 7 patay

-
Apat na sundalo at tatlong kasapi ng New People’s Army ang nasawi habang pito pa katao ang nasugatan makaraang magkakasunod na salakayin ng may 50 rebelde ang planta ng National Power Corporation (Napocor) at dalawang kampo ng militar sa Calaca at Balayan, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Base sa report, kinilala ang mga napatay na sina sina Sgt. Edgardo Micua, Technical Sgts. Carlito Paraiso, Ryan Cabilda at Erwin Rigos, pawang mga enlisted personnel ng PAF. Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng tatlong napaslang na rebeldeng NPA.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Airman 2nd Class Reynaldo Carandang, CAFGUs (Civilian Armed Forces Geographical Units) Martin Atienza, Valentin Raiza at Pablo Panaligan, sibilyan na si Delia Lacdao, at dalawa pang di nakilala.

Sa report, dakong ala-1:45 ng madaling-araw nang salakayin ng mga rebelde sakay ng Isuzu six-wheeler truck (UDG-726) ang Calaca Power Plant sa Brgy. Dancalao.

Ayon kay Chief Supt. Reynaldo Varilla, police director sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), ang unang pag-atake ay isinagawa sa company headquarters ng 741st Combat Squadron na nakabase sa Brgy. Dancalao, Calaca na nagbibigay seguridad sa Calaca Power Plant na nasa ilalim ng Napocor na kanilang unang dadaanan patungo sa planta.

Matapos na makipagbakbakan sa mga PAF men ay isinunod ang nasabing planta. Tinangka pa umano ng mga rebelde na sunugin ang power planta bukod sa pagpapasabog dito gamit ang kanilang anti-tank rifle. Ang mga rebelde ay armado rin ng rocket propelled grenade (RPG) launcher, anti-tank rifle at M-16 rifles.

Sinabi ni PAF spokesman Major Restituto Padilla na gumamit pa ng truck ng bigas ang mga sumalakay na rebelde para lansihin ang kanilang tropa na binubuo ng 10 PAF member at 20 CAFGU.

Nakasagupa pa ng mga rebelde ang 740th combat group ng PAF na tumagal ng 30 minuto.

Matapos ang pagsalakay, isinunod na atakihin ng NPA ang company headquarters sa Duhatan Village, bayan ng Balayan.

Sinabi ni AFP spokesman Lt. Col. Daniel Lucero, talagang target ng mga rebelde ang Calaca Power Plant upang masabotahe ang Luzon grid.

Kaugnay nito, positibo na NPA rebels ang umatake sa nasabing planta matapos na tahasang ihayag ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal sa sila ang responsable sa pagsalakay. Aniya, ito na ang simula ng serye ng pagsalakay sa buong bansa upang pabagsakin ang Arroyo government. Ganti rin aniya ito sa mga militar dahil sa patuloy na pagkubkob at paggala sa kanilang teritoryo. (Ulat ni Joy Cantos)

BALAYAN

BATANGAS

BRGY

CALACA

CALACA POWER PLANT

CARLITO PARAISO

CHIEF SUPT

CIVILIAN ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNITS

CLASS REYNALDO CARANDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with