Biyaheng 8 bus companies sinuspinde ng LTFRB
January 10, 2004 | 12:00am
Sinuspinde ng Land Transportation Fanchising Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng walong kumpanya ng bus dahil sa ibat ibang paglabag sa mga batas at patakaran ng ahensiya.
Ayon kay LTFRB chairperson Ellen Bautista, malamang din na matanggalan ng prangkisa ang naturang bus companies kung hindi aayusin ang kanilang operasyon.
Ang Alberto Bus Companies ni Alberto Carating, Belinda Blue ni Belinda Claro, Phil. Corinthians, Jell Tranport, Lippad Transit ni Juliet Lippad, Edgardo Meneses ng Meneses Bus Lines, North Zone Transport Inc. at Mercedita Sta. Maria ng Sta. Maria Bus Line.
Ang naturang mga kumpanya ng bus ay ginagamit ang ilang gasoline station bilang bus terminal na isang paglabag sa transport rules ang regulations dahil ang isang bus operator bago mag-operate ay kailangang may sariling terminal.
Ilan din sa mga nabanggit na bus company ay nakarehistro sa ibang pangalan at walang maayos na akomodasyon ang mga bus para sa "riding public" tulad ng di maayos na airconditioning units at wasak na mga upuan.
Sinabi ni Bautista na kanyang sinubpoena na ang operators ng naturang mga bus upang magpaliwanag hinggil sa illegal na pag-operate ng kanilang mga negosyo at paglabag sa patakaran ng ahensiya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended