^

Bansa

Panggulong mga kandidato ilalaglag ng Comelec

-
Sinisimulan na ng Comelec en banc ang pagtatanggal ng mga "nuisance" candidates o mga panggulong mga kandidato na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sa pagka-pangulo, bise presidente at senador.

Matapos ang itinakdang deadline ng paghahain ng COC kamakalawa ng mga kandidato, nabatid na nakapagtala ang Comelec sa unang kasaysayan ng halalan sa bansa ng may 84 kandidato sa pagka-pangulo.

Base sa record, umaabot naman sa 21 katao ang naghain ng kanilang COC sa pagka-bise presidente habang sa senatorial bet ay umaabot sa 88.

Si Pangulong Arroyo ay pang-57 sa talaan ng presidentiables at huling national figure na naghain ng COC habang sa pagka-senador ay humabol sa ika-68 si religious leader Ely Soriano ng Ang Dating Daan at pang-88 si Cristina Ramos, dating Philippine Sports Commission chairman at anak ni dating Pangulong Ramos.

Sinabi ni Comelec Chairman Benjamin Abalos na posibleng anim na lamang na kilalang kandidato sa pagka-pangulo ang matitira at maglalaban-laban sa eleksiyon.

Ito’y sina Pangulong Arroyo, Raul Roco, Sen. Panfilo Lacson, Bro. Eddie Villanueva, Fernando Poe Jr. at isang di pa binanggit na kandidato.

Ang screening ay isinasagawa na ng Comelec en banc at sinabing bago magtapos ang linggong ito ay ihahayag na ang mga kuwalipikado at nalaglag na mga kandidato sa 2004 elections. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANG DATING DAAN

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CRISTINA RAMOS

EDDIE VILLANUEVA

ELLEN FERNANDO

ELY SORIANO

FERNANDO POE JR.

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with