3 PNP officials, gov. at vice gov. sabit sa jueteng payola
January 7, 2004 | 12:00am
Inatasan kahapon ni Pangulong Arroyo si Philippine National Police Director General Hermogenes Ebdane na imbestigahang mabuti ang akusasyong ginawa ni Dagupan City Archbishop Oscar Cruz na mayroon umanong tatlong matataas na opisyal ng PNP, isang gobernador at vice governor ng gitnang Luzon at isang maimpluwensiyang negosyante ang patuloy na tumatanggap ng suhol mula sa gambling lords nang hanggang P20 milyon bawat buwan.
Sa kanyang direktiba sa PNP chief, sinabi ng Pangulo na sa sandaling matukoy na ang mga pangalan ng diumanoy mga protektor ng jueteng kailangan sampahan ang mga ito ng kaso base sa makakalap na ebidensiya.
Ginawa ng Pangulo ang kautusan matapos ibunyag ni Cruz, chairman ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng na tumatanggap ng buwanang suhol na P10 milyon ang isang mataas na opisyal ng PNP; P6 milyon naman sa maimpluwensiyang negosyante; P1.6 milyon sa opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group; P1 milyon sa opisyal ng PNP-Civil Security Group, P1 milyon para sa governor at P500,000 sa vice governor.
Sabi ng Pangulo na ang inilunsad na kampanya ng pamahalaan laban sa jueteng ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng publiko at pagiging mapagmatyag ng kinauukulang ahensiya ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, ikinalulugod niya ang pagsisikap ng mga awtoridad ng simbahan para makatulong sa kampanya ng gobyerno laban sa jueteng.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na kailangang matukoy ang mga pangalan ng sinasabing anim na mga opisyal at negosyante na tumatanggap ng suhol mula sa mga jueteng lords. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended