^

Bansa

Hindi mapipiling VP ni GMA dapat maging 'sport'

-
Hindi dapat magtampo at tumalikod kay Pangulong Arroyo ang sinumang hindi papalarin na maging running mate nito.

Ito ang sinabi kahapon ni Davao Oriental Rep. Mayo Almario kaugnay sa nalalapit na paghahayag ni Pangulong Arroyo ng kanyang magiging bise presidente.

Ayon kay Rep. Almario, pare-parehong umaasa sina Senators Noli de Castro, Robert Barbers at MMDA Chairman Bayani Fernando na sila ang magiging ka-tandem ni GMA at maging sina Tourism Sec. Richard Gordon at Senate President Franklin Drilon ay napapabalitang nais ding tumakbong bise.

Kaugnay nito, hinikayat ng solon ang Pangulo na ihayag na sa Disyembre 30 kung sino ang kanyang makakatambal upang magkaroon ito ng sapat na oras para ipaliwanag sa mga hindi niya mapipili ang kanyang naging desisyon.

Naniniwala si Almario na siguradong may magtatampo sa Pangulo kapag hindi sila ang naging running mate nito.

Makikita aniya kung gaano katapat kay Arroyo ang mga nagnanais maging bise presidente niya sa sandaling ihayag na nito ang kanyang running mate. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALMARIO

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DAVAO ORIENTAL REP

MALOU RONGALERIOS

MAYO ALMARIO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RICHARD GORDON

ROBERT BARBERS

SENATORS NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with