^

Bansa

2 police colonel 'utak' sa jueteng

-
Tarlac City - Dalawang police colonel ang umano’y nagsisilbing financier ng illegal na operasyon ng jueteng na patuloy sa pamamayagpag sa lalawigang ito.

Ito’y sa kabila ng pagmamalaki ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na jueteng free na ang 17 rehiyon sa bansa sa loob lamang ng mahigit isang linggo mula ng magpalabas ng direktiba si PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane upang palakasin pa ang kampanya laban sa illegal na operasyon ng nasabing sugal.

Ayon sa isang reliable source sa Department of Interior and Local Government (DILG), kabilang umano sa dalawang tiwaling opisyal ay isang hepe ng pulisya na kilalang personahe sa intelligence community.

Gayunman, tumanggi ang source na tukuyin ang pagkakakilanlan sa nasabing mga police colonel na ginagawang gatasan ang illegal na operasyon ng jueteng.

Nabatid na talamak pa rin ang bolahan ng jueteng sa Tarlac kung saan ang walong bangkero na sangkot dito ay kinilalang sina Melchor Galang, Dan Tamina alyas Kamatis, Emil Perez, Tess Malungkot, Mario Pineda, Jake Salangsang, dalawang iba pa na tinukoy sa mga alyas na Ney-Ney at Jopet.

Ibinulgar ng source na binalewala umano ng dalawang tiwaling opisyal ang direktiba ni Ebdane hinggil sa pinalakas na kampanya laban sa jueteng.

Magugunita na binalaan ni Ebdane ang mga provincial director, district director at mga station commander na sisibakin alinsunod sa one-strike policy sa sandaling mabigo ang mga ito na masawata ang operasyon ng jueteng sa lugar na kanilang nasasakupan.

Nabatid pa sa source na nagsasagawa ng guerilla-type operation ng jueteng sa Tarlac upang mahirapan ang mga awtoridad na masakote ang mga tinaguriang big fish sa nasabing illegal numbers game.

Samantalang kumikita naman umano ng P1. 5-M kada araw ang operasyon ng jueteng sa lalawigang ito. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

BENJIE VILLA

DAN TAMINA

EBDANE

EMIL PEREZ

HERMOGENES EBDANE

JAKE SALANGSANG

JUETENG

MARIO PINEDA

MELCHOR GALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with