Pinalabas ng Pangulo ang direktiba kasunod ng ulat na nagkaroon umano ng "mad cow disease" ang mga baka sa Washington State.
Dahil dito, inalerto ng Palasyo ang DA at DTI na harangin ang lahat na karne mula sa US.
Sinasabi sa ulat na pinag-aaralan na rin ng Taiwan, Singapore, Thailand at Malaysia ang pagpapataw ng ban sa importasyon ng karneng baka mula sa Amerika para makaiwas ang kanilang mamamayan sa epekto ng naturang sakit.
Sinabi ng Malacañang na alerto lang at pag-iingat ang direktiba ng Pangulo dahil maliit lang na porsiyento ang kinokonsumong karneng baka na inaangkat ng Pilipinas mula sa Amerika.
Ang malaking bahagi ng inaangkat na karneng baka ng bansa ay mula sa Australia at iba pang Asian countries.
Magugunitang noong 2001, bumagsak ang industriya ng baka sa Japan matapos tamaan ng "mad cow disease" ang naturang bansa.
Kaya naman ang Japan ay nagpapatupad ng mahigpit na ban sa importasyon ng baka sa mga bansang apektado ng "mad cow."- Lilia Tolentino-