Balota sa Comelec ayos na
December 22, 2003 | 12:00am
Isang "silent group" ang pinaniniwalaang gumagapang na upang makuha ang award sa supply ng papel na gagawing balota para sa eleksyon sa 2004 na nagkakahalaga ng P440 milyon.
Sa pahayag ng isang mapagkakatiwalaang source na tumangging magpabanggit ng pangalan, tinatrabaho na ng "silent group" na sipain ang mga kalaban nitong suppliers kahit na mas mababa ang presyo ng at wasto ang pamamaraan nila sa pagbi-bid.
Sinabi ng insider na kakutsaba ng silent group ang gumagawa ng technical specifications sa bidding sa Comelec kaya malakas ang loob ng grupo na makukuha nila ang mga kontrata dito.
Bukod sa supply ng papel, ibig ng silent group na i-grandslam ang bidding at makuha din ang printing na malamang mai-award sa naturang grupo nitong darating na linggo.
Diniin pa ng insider na hindi pinababayaan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos at maging ni Comelec Bids and Awards committee chair Ed Mejos ang ganitong gawain kung kaya't masusing pinatitingnan at inutusan ang mga tao sa Comelec na gawing transparent ang pagsasagawa ng bidding upang hindi magkaroon ng iskandalo dahil napakahalaga nitong susunod na eleksiyon sa taumbayan.
Mahigpit nang binabantayan ngayon ng mga NGO, religious groups at civil society ang ginagawang bidding sa Comelec upang masiguro na maging malinis ang galaw nito at hindi mawala ang pagtitiwala ng taumbayan dito.
"May tiwala kami kay Chairman Abalos kaya lang bago pa lamang siya sa Comelec at hindi pa niya alam ang lahat ng pasikut-sikot kayat kinakabahan kami at baka malusutan na naman ang taumbayan at gumimik na naman ang ibang mga tao para kumita sa malalaking kontrata sa Comelec bidding ng papel para sa balota, at sa susunod na linggo ay ang pag-iimprenta ng mga balota naman," wika ng isang NGO spokesperson.
Samantala, sinabi ni Comelec Dir. IV Ferdie Rafanan na may posibilidad na bumagsak sa mga criteria ng Comelec ang may 25 indibidual na naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) sa pangpanguluhang posisyon, simula noong Disyembre 15 dahil sa disqualification.
Ayon kay Rafanan, sumasailalim na sa screening ang 25 katao para sa pagka-pangulo na naghain ng kanilang COC kabilang na ang apat sa pagka-senador, dalawa sa bise presidente at tatlo sa partylist.
May tatlong criteria ang pagbabasehan ng Comelec na ikalalagpak ng mga kandidato. Ito ay ang pagiging katawa-tawa ng mga ito, hindi nakikitaan ng intensyon na tumakbo na nagsisilbing mga pampalito o panggulo lamang sa eleksyon at diskuwalipikasyon sa edad. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended