^

Bansa

Maui Taylor pinagalitan ni Loren

-
Sa halip na kampihan ay pinangaralan ni Senate Majority Leader Loren Legarda ang bold actress na si Maui Taylor matapos magtungo ang huli sa Senado upang isumbong ang umano’y ginawang pang-aabuso sa kanya ng Viva Publishing ng ilathala sa Hot Stuff magazine ang kanyang hubad na katawan.

Sinabi ni Sen. Legarda, dapat ay hindi ginagamit ni Maui ang kanyang katawan para lamang kumita at sumikat sa halip ay dapat asikasuhin na lamang nito ang kanyang pag-aaral kaysa maghubad.

Nagtungo si Maui kasama ag kanyang ina at abugado na si Atty. Cris Aspiras Jr. upang ipakita ang kanyang hubad na katawan sa naturang magazine.

Ipinabatid din ni Legarda kay Maui at sa abugado nito na ang batas ukol sa exploitation ay hindi pa nakakapasa sa Senado at nasa committee level pa lamang kaya kung may reklamo ang mga ito laban sa publishing company ay dapat sa korte ito nagtungo. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CRIS ASPIRAS JR.

HOT STUFF

IPINABATID

LEGARDA

MAUI

MAUI TAYLOR

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

VIVA PUBLISHING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with