^

Bansa

P 2-B kikitain ng NPA sa mga kandidato

-
Aabot sa P2 bilyong piso ang kikitain ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa pangingikil ng mga ito ng "permit to campaign fees" sa mga pulitikong tatakbo sa darating na 2004 national elections.

Ito ang nabatid kahapon kay Col. Edgardo del Rosario, hepe ng Civil Affairs Group ng Phil. Army matapos na pasimulan na ng komunistang grupo ang pangingikil sa mga pulitiko sa mga balwarte ng mga itong teritoryo sa bansa.

Nabatid na sa tatakbong gobernador ay sumisingil na ang mga rebelde ng P500,000; P300,000 sa mga kongresista; P100,000 sa mga mayor at P50,000 sa mga bise alkalde. Maliban sa cash ay tumatanggap rin ang mga rebelde ng mga armas, bala at mga pagkain mula sa mga kandidato.

Kamakailan lamang ay ipinangalandakan ni NPA spokesman Gregorio "Ka Roger" Rosal na mahigpit nilang ipatutupad ang "permit-to-campaign fees" sa mga pulitiko upang hindi ang mga ito masabotahe sa mga tinaguriang ‘rebel infested area" sa panahon ng kampanya. (Ulat ni Joy Cantos)

AABOT

CIVIL AFFAIRS GROUP

EDGARDO

GREGORIO

JOY CANTOS

KA ROGER

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with