14 most wanted na kidnapper kinilala ng NAKTAF
December 16, 2003 | 12:00am
Labing-apat pang most wanted kidnapper kabilang ang isang pulis na may patong sa ulong mula kalahating milyon hanggang P1 milyon ang ipinalabas ng National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTAF) kahapon.
Kinilala ni NAKTAF chairman Angelo Reyes ang nangunguna sa talaan na si PO2 Allan Estrada, may reward na P1-M ng Davao City.
Kabilang pa sa mga suspek sina Teddy Padre, Neil Cutad, Romeo Uria, Felizardo Pagulayan, Ronnie Tan, More Panday, Ambrudin Macasilang, Ronald Roilan, Pecasiano Tagle, Joel Bunales, Sergio Panday, Mario Valerio at Arnel Suellen na pare-parehong may reward na P500,000 sa kanilang ikadarakip.
Sinabi ni Reyes na mahalagang maipalabas ang larawan, mga pangalan at reward ng nasabing mga kidnapper para sa mabilisang ikadarakip ng mga ito.
Ang 14 na iba pa ay dagdag sa pitong iba pang tinutugis ng mga awtoridad na kabilang sa top ten most wanted kidnappers na naunang ipinalabas ng NAKTAF. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest