Magna carta sa mga katulong isinulong ni Loren
December 13, 2003 | 12:00am
Isinumite ni Senate Majority Floor Leader Loren Legarda ang isang panukalang batas na magbibigay proteksiyon at benepisyo sa mga household helpers tulad ng katulong, cook, houseboy at yaya.
Sa ilalim ng Senate Bill 751 o Magna Carta for Household Helpers ni Legarda, ang mga household helpers ay awtomatikong magiging miyembro ng Social Security System (SSS), PhilHealth at ang kanilang pagtatrabaho ay gagarantiyahan ng kontrata.
Kabilang sa mga pabenepisyong iminungkahi ni Legarda ang pagkakaroon ng 14-day vacation leave kada taon, anim na working day at overtime pay ng mga househelp.
Sisiguruhin ng kontrata sa pagitan ng house helpers at employers ang pagkakaroon ng taunang salary increase, tatlong beses na pagkain kada araw, privacy at kaligtasan laban sa di-makataong trato at sexual assault. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended