FPJ,Gringo 'anti crime team' ok kay Erap
December 10, 2003 | 12:00am
Ang tambalang Fernando Poe Jr. at Sen. Gringo Honasan ang napipisil ni dating Pres. Joseph Estrada dahil magiging epektibo aniya ito sa pagbaka sa kriminalidad.
Kasabay nito, sinuportahan ng may isang milyong kasapi ng Philippine Guardians Brotherhood, Inc. (PGBI) ang pagbuo ng unity ticket nina Poe at Honasan para sa darating na 2004 elections.
Ayon kay PGBI spokesman Ernesto Macahiya, maganda ang kumbinasyong FPJ-Gringo dahil sa hindi lamang magsisilbi silang inspirasyon upang mapagbuklod ang buong bansa na sa kasalukuyan ay hati-hati sa ibat ibang paksyong pulitikal at pang-ekonomiyang interes, kundi epektibo rin nilang matutugunan ang mga lumalalang problema ng bayan, lalo na ang peace and order at katiwalian.
"Para silang martilyong dudurog sa mga kidnaper, drug dealers at mga kurakot sa kabang bayan," ani Macahiya.
Sinabi ni Macahiya na parehong malinis ang rekord nina FPJ at Senador Honasan.
Idinagdag ng PGBI spokesman na napatunayan na rin nina FPJ at Gringo ang kanilang political will at kakayahang mamuno tulad ng paglaban ng Da King sa kilabot na "Big Four" na naghahasik ng lagim noon sa mga artista at ang kanyang pagtulong sa mga mahihirap na walang publisidad, samantalang malaki naman ang makasaysayang papel na ginampanan ni Honasan sa EDSA People Power I noong l986 na nagpanumbalik ng demokrasya sa bansa.
Aniya, bilang chairman ng senate committee on peace, unification and reconcilliation, may sapat nang kakayahan si Honasan na maging tagumpay ang peace talks sa lahat ng rebelde, samantalang ang pagkakaroon ng peoples mandate ni FPJ ay magsisilbing gabay at inspirasyon upang maisulong ang agenda of peace, unity and development ng pamahalaan. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended