^

Bansa

VP bid ni Barbers suportado ng Lakas solons

-
Hindi nangangamba ang mga mambabatas mula sa ruling Lakas-CMD party sa ipinakitang lakas ng mga brodkasters na sina Senators Noli de Castro at Loren Legarda sa vice presidential survey ng Pulse Asia kamakailan.

Nagkaisa ng paniniwala sina Congressmen Prospero Nograles (Davao), Roque Ablan (Ilocos Norte), Antonio Cuenco (Cebu) at Prospero Pichay (Surigao del Sur) na ang resulta ng survey ay hindi naaayon sa kasalukuyang kalagayang pulitikal.

Ayon sa kanila, ipinakikita ng survey na si Barbers ay may mataas na naitala mula sa ikatlo hanggang ika-siyam na antas kung pagbabatayan ay senatorial race. Nang isagawa ang survey sa pagitan ng Nob. 4 - 17, 2003 ay hindi pa naghahayag si Barbers ng kanyang intensiyong tumakbo sa vice presidential race. Si Barbers ay naghahangad maging ka-running mate ni Pangulong Arroyo sa 2004.

Nakalalamang umano si Barbers kung pagbabatayan ay geographical representation dahil ito ay mula sa rehiyong Mindanao.

Sinabi rin ng mga kongresista na ang Pulse Asia report ay kinasasangkutan ng maraming vice presidential preference na hindi naman determinadong tumakbo.

Naniniwala naman si Pichay na ang pagwawagi sa darating na halalan sa susunod na taon ay hindi maibabase sa popularidad ng isang kandidato dahil ito ay isa lamang sa maraming bagay na ikinukunsidera ng mga botante.

Magugunita na sa ginanap na national directorate meeting ng partido nitong nakalipas na buwan, inindorso si Barbers ng isang grupo ng mga gobernador, kongresista, alkalde, opisyales ng ARMM at anti-crime group organizations. (Ulat ni Rudy Andal)

ANTONIO CUENCO

CONGRESSMEN PROSPERO NOGRALES

ILOCOS NORTE

LOREN LEGARDA

PANGULONG ARROYO

PROSPERO PICHAY

PULSE ASIA

ROQUE ABLAN

RUDY ANDAL

SENATORS NOLI

SI BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with