Eleksyon haharangin ng kudeta
December 1, 2003 | 12:00am
Kinumpirma kahapon ni Defense Secretary Eduardo Ermita sa kumakalat na balita na may namumuo na namang destabilization o paglulunsad ng kudeta laban sa gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Disyembre na haharang sa pagdaraos ng 2004 national elections.
Umapela si Ermita sa mga destabilizers na huwag nang manggulo lalo pa at naghahanda aniya ang sambayanang Pilipino sa Pasko kaya huwag aniya silang gumawa ng mga pagkakasala.
Una rito, ay kumalat ang manifesto ng nagpakilalang grupo ng Patriotic Filipino Soldiers of the Armed Forces of the Philippine (PFSAFP) na pinamumunuan ng isang nagpatago sa codename na 1st Lt. Andres Maypag-asa na tinuligsa ang talamak na katiwalian sa gobyerno.
Binalaan ni Ermita ang mga plotters na hindi sila magtatagumpay dahil sa nananatiling matatag ang Sandatahang-Lakas at buo ang suporta nito sa pamahalaan. Hindi naman nila isinasantabi ang anumang mga nakakalap na tsismis o intelligence report dahil lahat ito ay bineberipika ng Armed Forces of the Philippines.
Kaugnay nito, itinaas kahapon ng pamunuan ng Western Police District (WPD) ang maximum red alert status dahil sa ulat na isang kudeta ang nakaamba kasabay ng selebrasyon ng Bonifacio Day.
Isinara ang mga gate ng WPD headquarters habang pawang naka-full battle gear ang mga tauhan ng pulisya sa pamumuno ni Chief Supt. Pedro Bulaong.
Ipinatawag rin ang mga elemento ng WPD na nagsasagawa ng pagroronda upang dagdagan ang puwersa ng mga pulis.
Dinagdagan rin ang puwersa ng mga pulis na nagbabantay sa US Embassy at sa paligid ng Malacañang na posibleng pinakatarget habang nagsasagawa ng demonstrasyon ang mga militanteng grupo sa Mendiola.
Itoy matapos ang mga hindi kumpirmadong intelligence report na may isang unaccounted na malaking puwersa ng mga sundalo buhat sa Ternate, Cavite ang patungo sa Metro Manila upang isagawa ang naturang panibagong kudeta. (Ulat nina Joy Cantos at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended