Ayon kay Remulla, mas makakasiguro ngayon ng panalo ang administrasyon dahil mahahati kina Sen. Panfilo Lacson at FPJ ang boto para sa oposisyon.
Posible anyang ang mga taong nagtulak na tumakbo si Poe ay bahagi ng planong hatiin ang oposisyon. Mas makakatulong anya sa oposisyon kung mabubuo ang tambalang Lacson at FPJ sa halip na magbanggaan ang dalawa.
Hindi na aniya dapat manalo si Pangulong Arroyo dahil mangangahulugan ito na muli siyang manunungkulan sa loob ng anim na taon.
Ang tanging panlaban lamang ni FPJ ay ang kanyang popularidad na posibleng biglang bumagsak dahil magiging target na ito ngayon ng mga black propaganda ng administrasyon.
Inihalimbawa ni Remulla ang nangyari kay Lacson na dalawang taon na aniyang nagiging target ng black propaganda at naging biktima ng political persecution. Hindi aniya malayong mangyari din kay FPJ ang naranasan ni Lacson matapos itong magdeklara na tatakbo sa pres'l election sa 2004. (Ulat ni Malou Rongalerios)