Ex-media affairs chief inireklamo
November 24, 2003 | 12:00am
Nalalagay na naman sa bingit ng alanganin ang sinibak na dating media affairs chief ng Philippine Postal Corporation matapos na ipagharap ng reklamo ng isang non-governmental organizations dahil sa umano'y paggamit sa nasabing grupo.
Ayon kay Corazon Maranan-Garcia, pangulo ng National Confederation of Solo Parents (NCSP), pormal nang naghain ito ng reklamo sa tanggapan ni Postmaster Gen. Diomedio Villanueva laban kay Tirso Paglicawan Jr., NCSP co-founder at dating secretary-general ng nasabing NGO.
Dahil dito, agad na inatasan ni Villanueva si Tony Gigante ng Investigation Division ng Philpost na imbestigahan ang nasabing reklamo.
Base sa reklamo, ginamit umano ni Paglicawan, nakatalaga sa Postal Training Center sa Quezon City at isang Philip Baldo, dating chair ng NCSP special programs and projects ang NCSP sa pagsosolicit at ang pagpasok sa isang kasunduan para sa isang proyekto nang walang approval ng board ng NCSP.
Nakipagkasundo umano si Paglicawan sa isa pang NGO upang sumali sa katatapos na Star Mall exhibit noong Setyembre kung saan naglagay pa ito ng stall. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended