Pulitika sa kidnap sinisilip
November 23, 2003 | 12:00am
Lalong tumapang ang mga kidnappers matapos ibasura ni Judge Teresa Yadao ang kaso ng Kuratong Baleleng.
Ito ang naging obserbasyon ni Sen. Robert Barbers sa sunud-sunod na insidente ng kidnapping sa bansa na ikinamatay ni Coca-Cola executive Betty Sy, madugong pagdukot sa 10-anyos na si Gellina Dy, pagdukot sa 51-anyos na si Tian Sheng Chen, at may-ari ng Albama ice plant na si Bernardo Diaz.
Sinabi ni Sen. Barbers na kahina-hinalang lalong naging mabangis at hayag ang mga kidnap groups sa mga operasyon nito samantalang palapit na ang presidential elections at lubhang matagumpay ang ginagawang kampanya ng pamahalaan laban sa mga drug lords.
"Unti-unti nang lumalapit ang kalooban ng masa kay President Gloria dahil sa pagpuksa nito sa mga drug lords, galamay at kotong cops sa droga sa bawat barangay kaya nangyayari itong mga kidnapping na ito," pahayag ni Barbers.
Mahigit na sa P20 bilyon ang nalulugi sa mga drug lords dahil sa malawakang opensiba ng pamahalaan laban sa droga.
Ayon sa senador, ikinatutuwa ito ng taumbayan dahil sila ang apektado sa naglipanang drug pushers at mga drug addict na ngayon ay unti-unti nang winawalis ng Pangulo. Malalaking planta ng illegal na droga at mga modernong equipment sa paggawa ng shabu ang nalambat ng pamahalaan sa isinasagawang barangay clearing operations nito. Kamakailan, isang higanteng factory ng shabu sa Antipolo city ang ni-raid ng awtoridad at P2.2 bilyon ng ipinagbabawal na gamot ang nakumpiska.
Ayon kay Barbers, ang mga kidnapping incident na ito ay isinasagawa upang hiyain ang Pangulo at mawala ang logistical support ng mga elite lalo na ng Chinese community sa pagtakbo ng Pangulo.
Isang heneral na humingi ng anonymity ang nagsabi na masusing minamanmanan ang mga galamay ng isang presidentiable kaugnay sa mga insidente ng kidnapping.
Sa pahayag naman ni National Anti-Kidnapping Task Force (NAKTF) Secretary Angelo Reyes, ang gobyerno partikular ang sandatahang lakas ay hindi mangingiming gamitin ang buong puwersa nito para tuluyang lupigin ang kidnapping sa bansa dahil ito ay bahagi ng determinasyon ng Pangulo na bigyan ng kapayapaan ang bawat pamayanan sa bansa. Idinagdag ni Reyes na hindi titigil ang gobyerno sa pagtugis sa mga salarin ng kidnap victim na si Sy upang bigyan ng hustisya ang pagkapatay dito.
Isang law professor naman ang nagpahayag na ang pagbasura sa Kuratong Baleleng case ay nagsisilbing pampalakas loob sa mga criminal elements. "Kung ang isang celebrated case katulad ng Kuratong Baleleng ay nadismis ng walang preliminary investigation at hindi nabigyan ng pagkakataon ang prosecution na mag-present ng mga bagong testigo at ebidensiya eh, di lalo nang makakalusot ang mga kasong hindi naman talaga binabantayan ng taumbayan," wika ni Atty. Byron San Pedro. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended