^

Bansa

Krimen bumaba dahil kay Manny Pacquiao

-
Naging malaking tulong sa Philippine National Police (PNP) ang naging laban ni Boxing Champion Manny Pacquiao kay International Boxing Federation Featherweight Champion Mexican Antonio Barera, bunga ng pansamantalang pagbaba ng krimen noong araw na ipalabas sa telebisyon sa buong bansa ang salpukan ng dalawa sa Texas, USA.

Ayon sa report ng pulisya, dahil sa baba ng naitalang krimen sa bansa ay nagpahiwatig ito na maging ang mga kriminal at sumubaybay sa naging laban ni Pacquiao hanggang sa makamit nito ang tagumpay sa ika-11 rounds ng boxing.

Base on the reports that we have received, only 24 incidents were reported last Sunday all over the country," pahayag ni PNP Deputy Directorate for Police Community Relations Director Ricardo de Leon.

Sa rekord ng PNP, nakapagtala lamang ng 12 insidente ng krimen na kinabibilangan ng pananaksak, nakawan, vehicular accidents at iba pang maliliit na uri ng karahasan nuong mga oras na iyon hanggang buong araw.

Sinabi ni de Leon na dapat gawing mabuting halimbawa partikular na ng mga kabataang Pinoy si Pacquiao.

Maging si Pangulong Arroyo ay nanood rin ng laban at personal na pinapurihan si Pacquiao sa karangalang natamo nito para sa Pilipinas. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BOXING CHAMPION MANNY PACQUIAO

DEPUTY DIRECTORATE

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION FEATHERWEIGHT CHAMPION MEXICAN ANTONIO BARERA

JOY CANTOS

PACQUIAO

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PILIPINAS

PINOY

POLICE COMMUNITY RELATIONS DIRECTOR RICARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with