^

Bansa

Sound expert sa 'Villaruel' hiling

-
Hiniling ng Senado na kumuha ng isang sound expert na mag-aanalisa sa naging radio interview kay dating Air Transportation Office (ATO) chief Panfilo Villaruel Jr., habang kausap ito sa isang radio station bago tuluyang pagbabarilin at mapatay.

Ayon kay Sen. Francis Pangilinan at Senate Majority Leader Loren Legarda, sisikapin nilang makakuha ng sound expert upang suriin sa pamamagitan ng mga modernong kagamitan ang tunay na nangyari habang sinasalakay at binabaril ng mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) si Villaruel sa control tower.

Muling hihimayin ng Senado ang nangyari sa NAIA control tower 2 sa araw na ito at inaasahang dadalo muli sina Transportation and Communications Sec. Leandro Mendoza, NAIA general manager Edgar Manda, PNP chief Hermogenes Ebdane, ATO officials at PNP-Aviation Security Group officials.

Ayon kay Pangilinan, karamihan sa mga Senador ay kumbinsido na nagkaroon ng "excessive force" sa ginawang pagsalakay ng mga tauhan ng SWAT ng i-i-take-over nina Villaruel at Lt. Sr. Grade Ricardo Catchillar ang control tower. (Ulat ni Rudy Andal)

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AVIATION SECURITY GROUP

AYON

EDGAR MANDA

FRANCIS PANGILINAN

HERMOGENES EBDANE

LEANDRO MENDOZA

PANFILO VILLARUEL JR.

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with