Abu itinalagang Army chief

Itinalaga ni Pangulong Arroyo si Major General Efren Abu bilang bagong hepe ng Philippine Army kapalit ng nagretiro nang si Lt. Gen. Gregorio Camiling.

Sa kanyang paghirang kay Abu, sinabi ng Pangulo na ibinase niya ang kanyang desisyon sa rekomendasyon ng AFP Board of Generals.

Ngayong araw isasalin ni Camiling kay Abu ang kanyang mga iiwang responsibilidad sa Phil. Army.

Inaasahang dadaluhan ng Pangulo ang gagawing seremonya sa Fort Bonifacio. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments